Pasilidad sa pag convert ng tubig dagat sa tubig inumin naiturn-over na sa Balatan, Camarines Sur

NAGA CITY—Naiturn-over na sa Balatan Camarines Sur ang Desalination Facility o ang pasilidad na nag coconvert ng tubig dagat sa tubig inumin. Ito ang kauna-unahan sa lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Department of Science and Technology (DOST) Camarines Sur  Head Pat Felizmenio, sinabi nitong puwede nang magamit ang pasilidad para sa inuming tubig sa pamamagitan ng reverse  osmosis membrane technology. Ang tubig na proproseso ay dapat na pumasa sa physical, chemical at microbiological analysis.

Ang proyekto ay pinagtulungan ng DOST at ng LGU, ginawa sa loob ng halos isang buwan lamang. Nasa 250 na mga kabahayan ang manginginabang.

2017 ng nang magkaproblema sa kalusugan ng ilang mga residente dahil sa contaminated poso. Paliwanag ni Felizmenio sa 17 na mga Barangay ,  5 lamang ang nasisilbihan nito.

Ang Balatan ay mabilis na nakapagtugon sa pangangailangan ng DOST sa puwesto at gusali para maisakatuparan ang programa sa ilalim ng Community Empowerment Through Science and Technology.

Isusunod ng DOST ang bayan ng Pasacao na mayroon ding far-flung area na unstable ang pinagkukunan ng tubig inumin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *