PASINTABI: Menor de edad na paulit-ulit na nanamantala ng stepsister, huli sa Pagbilao, Quezon; Panghahalay, nagbunga

Arestado ang isang wanted na menor de edad matapos ang ikinasang operasyon ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa bayan ng Pagbilao, Quezon.

Sa bisa ng warrant of arrest, nadakip ang hindi pinangalanang akusado na wanted sa apat (4) na bilang ng kasong Statutory Rape.

Sa paglalahad ng biktima, pinagsamantalahan umano siya ng kanyang stepbrother noong siya ay 8-anyos (Grade 1 student) pa lamang kung saan ay naulit pa ito.

Sa ngayon, nagdadalang-tao ang nasabing biktima habang ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *