Pasok sa eskwela sa Lagonoy, Camarines Sur, suspendido dahil sa bagyong Betty; habagat ramdam- MDRRM

CAMARINES SUR- Suspendido ang pasok sa klase sa lahat ng antas sa Lagonoy, Camarines Sur dahil sa Bagyong Betty.

Ito ang inilabas na memorandum mula sa tanggapan ng alkalde matapos na ibandera ng PAGASA ang signal number 1 sa Northeastern portion ng  lalawigan o sa Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac at Siruma.

Mababatid na ayon sa ayon sa DepEd Order No.  37 s. 2022 ( Guidelines on the Cancellation or Suspension of Classes and Work in Schools in the Event of Natural Disasters, Power Outages/Power Interruptions, and Other Calamities) otomatikong kanselado ang pasok sa mga nababanderahan na ng signal no. 1.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Rommel Batanes ng MDRRM sinabi nitong mainit ang lagay ng panahon kaninang umaga pero ramdam nila ang unti-unting paglakas ng Hanging Habagat.

Pinag-iingat ang mga nasa coastal areas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *