Pasok sa public schools at opisina sinuspendi ni PBBM hangang bukas dahil sa bagyong ‘Florita’

Inanunsiyo ng Malakanyang na idineklara ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang suspensiyon ng trabaho at klase sa lahat ng antas ngayong araw hanggang bukas, para sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at public shool, dahil sa Severe Tropical Storm Florita.

Ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng Office of Civil Defense dahil sa posibleng panganib ng nararanasang masamang panahon bunsod ng bagyo.

Ipinauubaya naman nito ang pagpapasya para sa mga pribadong paaralan at opisina kung magsasagawa rin ng kaparehong hakbang.

Kabilang sa mga lugar na sakop ng kautusan ay Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales at Bataan.

Epektibo ang kautusan ala-1:00 ng hapon ngayong araw hangang bukas August 23, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *