Passenger ship safety certificate ng barkong tumagilid sa Misamis Oriental, sinuspinde na ng Marina

Pinaiimbestigahan ni PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan sa Maritime Safety Services Command (MSSC) ang safety procedures at protocols na ipinatutupad ng MV Filipinas Cagayan de Oro.

Ito ay matapos tumagilid ng naturang barko na naglalaman ng 448 mga pasahero at apat na rolling cargoes.

Ayon kay Gavan, ang imbestigasyon ay upang matiyak sa publiko na pinahahalagahan nila ang kaligtasan ng mga pasahero, at ang ganitong mga insidente ay nais nilang pigilan.

Samantala, sinuspinde na ng Maritime Industry Authority (Marina) ang passenger ship safety certificate (PSSC) ng MV Filipinas Cagayan de Oro.

Paliwanag ni Marina Northern Mindanao (Region 10) officer-in-charge Angelica Mortola, mananatiling epektibo ang suspension ng PSSC hanggat hindi nagkakaroon ng satisfactory result ang Marina survey inspection.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *