Pastor, namatay sa aksidente at hindi dahil sa COVID 19- Narra Hospital

Binigyang –diin ng pamunuan ng Narra Municiapl Hospital sa Palawan na aksidente ang naging dahilan ng pagkamatay ng isang pastor at hindi COVID-19 matapos na magpositibo sa Rapid Antigen test.

Ayon kay Dr. Pedro Ascanio, Medical Officer 4, Narra Municipal Hospital, bahagi ng ginagawang protocol ng lahat ng hospital na isailalim sa antigen test ang mga pasyenteng dinadala sa emergency room.

Nagkataon nagposotibo sa COVId-19 ang pasyente na si Pastor Samson Abayon Sr. bago pa ito binawian ng buhay dahil sa mga tinamong pinsala sa aksidente.

Matatandaan, January 28 nang nasawi ang pastor matapos na makabanggaan ang isang lalaking sakay din ng motorsiklo sa bayan ng Narra , Palawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *