Pastor Quiboloy at 2 pang miyembro, wanted ng FBI

Pinaghahanap na ngayon ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) ang founder at pastor ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) na si Apollo Carreon Quiboloy at dalawa pang miyembro ng simbahan.

Naglabas ang FBI ng “Wanted” posters para kina Quiboloy, Teresita Tolibas Dandan, at Helen Panilag.

Nakasaad sa pahayag ng FBI na pinaghahanap si Quiboloy dahil sa kanyang diumano’y pakikilahok sa isang scheme na nagdala ng mga miyembro ng simbahan sa Estados Unidos, sa pamamagitan ng mapanlinlang na pagkuha ng mga visa, at pinilit ang mga miyembro na humingi ng mga donasyon para sa isang huwad na kawanggawa, mga donasyon na aktwal na ginamit upang tustusan ang mga operasyon ng simbahan at ang marangyang pamumuhay ng mga pinuno nito.

Noong Nobyembre nang ma-indict sa US court si Quiboloy at iba pang opisyal ng simbahan, dahil sa alegasyon ng sex-trafficking operation kung saan binibantaan ang mga biktimang menor de edad ng “eternal damnation” at pisikal na pang-aabuso.

Naglabas ang korte ng US ng warrant para sa pag-aresto sa Pastor noong Nobyembre 10, 2021.

Sa isang address sa kanyang mga followers na naka-livestream sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Quiboloy na ang Omicron COVID-19 variant ay parusa ng langit sa nagkatauhan dahil sa mga panggigipit sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *