Pastor Quiboloy, pina-subpoena na ng Senado matapos ‘di dumalo sa pagdinig

“Justice will be yours”

‘Yan ang tiniyak ni Senadora Risa Hontiveros sa lahat ng mga naging testigo at biktima ng di umano’y human trafficking at pang-aabuso sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ayon kay Hontiveros, ‘di raw anak ng Diyos si Apollo Quiboloy upang maging exempted sa pagdalo ng mga pagdinig.

Kaugnay nito, ayon kay Hontiveros, bibigyan ng kanyang komite ng subpoena si Quiboloy para sa susunod na pagdinig.

Dagdag pa niya, sa susunod na hearing ay maglalabas pa sila ng iba pang testigo laban kay Quiboloy.

Maalala, kinumpirma ngayong araw ng Bureau of Immigration na nasa loob pa rin ng bansa si Quiboloy matapos itong tanungin ni Hontiveros.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *