Sports

Pasturan at Davis, tinanggap ang ‘sorry’ ni Amores

Nagpulong ang Philippine Sports Commission (PSC) kasama ang mga representatives ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), National Collegiate Athletic Association (NCAA), pati na rin ang FilOil EcoOil Centre upang pag-usapan ang nangyaring issue ni Jose Rizal University (JRU) player John Amores.

Ayon sa PSC, agenda ng pagpupulong na malaman kung ano ang nangyari at ano ang mga hakbang na maaaring nilang ihanda upang mas mapabuti ang komunidad ng amateur sports.

Pinasalamatan din ng nasabing komisyon ang lahat ng naging parte ng pagbuo nila ng mga rekomendasyon gaya ng resource speaker na si sports psychologist Dr. Karen Trinidad.

Hindi naman isinapubliko ang mga napag-usapan sa pagpupulong, ngunit kinumpirma ng PCS na handa silang magbigay ng counseling kay Amores.

Samantala, tinanggap naman nina Jimboy Pasturan at Taine Davis ang harap-harapang paghingi ng tawad ni Amores.

Ayon kay Blazers head coach Charles Tiu, bumisita si Amores sa practice gym ng College of St. Benilde upang humingi ng tawad.

Nagpapasalamat sina Pasturan sa paghingi ng tawad ni Amores, at taos puso nila itong tinatanggap. // SMM (NCAA PHOTO)

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

15 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

15 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

15 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

15 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

15 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

16 hours ago