Local News

Patay na lalaki natagpuan ng mga residente sa Sorsogon City

SORSOGON CITY- Isang patay na lalaki ang bumungad sa mga residente kaninang alas 4:30 ng madaling araw sa Brgy Roro, Sorsogon City.

Kinilala ito na si Cesmer Lacao Laureta, 28 anyos, binata, empleyado ng Peter and Paul Corporatioon at residente ng Brgy Macabog ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Sorsogon City Police Station, lumabas na isang vehicular self-accident ang nangyare sa indibdiwal kung saan hindi pagsuot ng helmet ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima nang ma slide ito sa madulas na outer lane ng kalsada at tumama ang ulo sa gate ng isang bahay.

Agad namang naireport ng mga residente sa CDRRMO ang natuklasang pangyayare subalit wala na itong buhay dahil sa dami ng dugong tumagas mula sa ulo nito dulot ng lakas ng pagkakauntog sa gate.

Kasalukuyang nasa San Antonio Funeral Homes sa Brgy Talisay ng lungsod ang labi ng biktima para isailalim sa awtopsiya.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

11 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

11 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

11 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

11 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

11 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

12 hours ago