Patay na sanggol, isinilid sa kahon at itinapon sa tulay sa Tondo, Maynila

Patay na nang matagpuan ang isang sanggol na isinilid sa kahon ng sapatos at iniwan sa isang tulay sa Tondo, Maynila.

Sinabi ng barangay na itinapon ang sanggol sa isang tulay sa bahagi ng Rodirguez Street na napulot naman ng tatlong batang lalaki na nagbibisikleta.

Hinala nila na isang lalaki ang posibleng nag-iwan sa sanggol, base na rin sa lumabas na backtracking sa CCTV.

Kasama ito sa iniimbestigahan ng pulisya at kung sino ang mga magulang ng bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *