Patay sa salpukan ng 2 sasakyang pandagat sa Batangas City – umabot na sa dalawa

Dalawang Pilipinong tripulante ang namatay habang apat na Chinese ang nasugatan nang magsalpukan ang isang pampasaherong barko at isang water taxi sa Verde Island sa Batangas.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagbanggaan ang ang pampasaherong barko na “Ocean Jet 6” at water jet na “Hop & Go 1” dakong alas-12:30 ng tanghali, kung saan isa pa lang ang naiulat na nasawi.

Saad ni Coast Guard Station Batangas commander Captain Jerome Jeciel, namatay sa insidente ang boat captain at third mate ng Hop & Go 1, na parehong hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan.

Papunta sana ang Ocean Jet 6 ng Calapan mula Batangas, habang ang Hop & Go 1 ay patungo sa Batangas mula Puerto Galer.

Samantala, sugatan naman ang apat na Chinese na pasahero ng Hop & Go 1. Hindi rin nasaktan ang isang Swedish at dalawa pang Chinese na pasahero ng water jet.

Lahat ng 105 na pasahero at 19 na tripulante ng Ocean Jet 6 ay ligtas na ang kalagayan at nasa mabuting pisikal na kondisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *