Patuloy na kapalpakan ng NGCP, dapat umanong bigyan ng aksyon ng Kongreso

“It’s clear NGCP is not learning from its mistakes”

Ito ang mariing pahayag ni Senadora Imee Marcos kaugnay sa nangyaring malawakang power outage sa Western Visayas.

Ayon kay Marcos, halos taun-taon nalang ay isinasailalim sa review ang prangkisa ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngunit wala namang nangyayari.

Kaugnay nito, nanawagan ang senadora sa Kongreso na seryosohin at agaran nang aksyunan ang tungkol dito.

Ayon pa sa senadora, sa kabila ng paninindigan ng NGCP na walang kinalaman ang generation sa kanilang negosyo ay makikita sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na sakop nila ang isyu sa grid sa ilalim ng kanilang franchise agreement.

Dagdag pa niya, delay din ang mga proyekto ng mga ito sa ilalim ng Transmission Development Plan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *