Pauleen Luna, malapit nang manganak

Excited nang maging ate ang anak ni Pauleen Luna at Vic Sotto dahil malapit nang manganak ang kanyang ina.

Kinumpirma ni Pauleen na ang kanyang due date ay mid-January.

Pinaghahandaan ito ng aktres dahil baka cesarean section ang kanyang panganganak.

Nabatid na c-section din nito iniluwal ang kauna-unahang baby na si Thalia.

Samantala, ayaw naman niyang ma-pressure hinggil sa delivery ng baby kaya’t nagbakasyon muna ang kanyang pamilya ng ilang araw sa hot spring resort sa Laguna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *