Payout ng mga cash assistance sa Puerto Princesa, nais gawing digital o online

Isinusulong sa Sangguniang Panglungsod ng Puerto Princesa na gawing digital o online ang pagbibigay ng mga Cash Incentives o Cash Allowances sa mga Senior Citizens, Person with Disability (PWD) at Solo Parents.

Iminungkahi ito ni Councilor Atty. Nesario Awat sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizen o OSCA at City Social Welfare and Development Office o CSWDO na syang nangunguna sa pagbibigay ng mga naturang benepisyo.

Kanyang inilalakad na pag-aralan ang posibilidad na gawing digital o online ang mga transakyon ukol sa pagbibigay ayuda sa mga qualified members ng mga sektor na nabanggit upang mapabilis ang pagbibigay nito.

Kung ito’y magiging posible, maari ng ibigay ang mga cash assistance o allowances sa mga qualified members sa pamamagitan ng ATM Card, Gcash at iba pang digital methods.

Samantala, ang resolusyong nabanggit ay hinihinge ng aksyon mula sa Office of the City Mayor upang masimulan ang pag-aaral ng OSCA at CSWDO.

Courtesy: CSWDO – Puerto Princesa City 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *