PB at bodyguard na nangharas sa bahay ng Kagawad sa bayan ng Baleno, nahaharap na sa kaso

Nahaharap na sa kasong 2 counts of attempted homicide ang incumbent Punong Barangay ng Cancahorao, Baleno, Masbate at bodyguard nito makaraang masakote ng mga awtoridad matapos na mangharas at magpaputok ito ng baril sa bahay ng isang Kagawad.

Kinilala ang mga suspek na sina Brgy Captain Vener Dela Rosa at personal na bodyguard nito na si Richard Laurio habang ang biktima ay kinilalang si Kgwd Tessie Rapsing Bello, lahat residente ng nasabing lugar.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, sinugod ng mga suspek ang bahay ng Kagawad upang mangharass at nagpaputok ng baril.

Nabatid na nagmalfunction ang baril ng suspek na si Laurio kung kaya’t tinamaan ito sa kanyang balikat at tiyan.

Nasakote naman agad ng Baleno PNP ang mga suspek at nasampahan ng kaso.

Sa update na nakuha ng Brigada News sa himpilan ng Pulisya, nakapagpiyansa agad si Kapitan Dela Rosa habang si Laurio ay nakahospital arrest.

Hindi din nila nakasuhan ng possession of firearms ang mga suspek dahil wala silang narekober na baril kundi puro slugs o tingga lang ang kanilang narekober sa pinangyarihan ng insidente.

Napag-alaman na si Laurio ay may standing warrant of arrest sa kasong murder.

Napag-alaman na si Kgwd Bello ay kandidato para Kapitan at ang kalaban nito ay ang misis ng suspek na si Dela Rosa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *