PBA, nakikiramay sa pagkamatay ni Samboy Lim

Nagluluksa pa rin ang Philippine basketball sa pagkawala ng hoops icon na si Avelino “Samboy” Lim Jr., na kilala bilang “Skywalker,” sa edad na 61 taong gulang.

Sa halftime ng San Miguel Beermen-Phoenix Super LPG Christmas Day battle sa Araneta Coliseum, tiniyak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na magbigay ng oras para mag-alay ng pagpupugay sa “Skywalker.”

Samantala, sinabi ni seven-time PBA MVP Junemar Fajardo na malaking kawalan si Samboy hindi lamang sa PBA kundi lalo na sa San Miguel franchise kung saan siya dati ay naglaro.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, si Samboy ay naging isang magandang impluwensya sa kasalukuyang manlalaro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *