PBBHM: simplehan ang drug regulatory process sa bansa

Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Food and Drug Administration o FDA na i-streamline o simplihan ang drug regulatory process sa bansa.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni FDA Director General Dr. Samuel Zacate na ang direktiba ng Pangulo ay layong mapabilis ang proseso sa pagpapa-rehistro ng mga new common drugs at maging abot kaya ang presyo ng mga generic drugs sa bansa.

Maliban dito, nilalayon din nila ngayong pahabain ang validity ng license to operate at ang certificate of product registration mula sa 3 hanggang 5 taon para sa renewal ngayon ay magiging 5 taon ang initial at hanggang sampung taon ang renewal.

Habang patuloy din ang efforts na ginagawa ng ahensya para maipatupad na ang full digitalization sa FDA na mas magpapadali sa pag proseso ng mga application.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *