PBBM, abala sa pagsusulat ng SONA speech

Abala ngayon si Pangulong Bongbong Marcos sa pagsusulat nito ng kanyang talumpati para sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address sa Lunes.

Sa panayam ng mga media kay Executive Secretary Vic Rodriguez, sinabi nito na target tapusin ni Marcos ang kanyang mensahe sa SONA ngayong weekend hanggang sa Lunes ng umaga.

Sadya raw naging busy si Marcos dahil sa sunud-sunod na mga aktibidad nito kabilang na ang pag-presenta ng mga credentials ng Thai at US envoy ngayong umaga.

Inaasahan umanong ang ilan sa mga magiging laman ng kanyang speech ay se-sentro sa papasok na face-to-face classes sa Nobyembre.

Kabilang din aniya sa pagtutuunan ng pansin ni Marcos ay ang pandemic recovery at ang COVID response ng Gobyerno.

Sinabi pa ni Rodriguez na nais umano ni Marcos na magkaroon ng ‘digitalized governance’ at ‘digitalized administration’.

Abangan naman ang Special Coverage ng Brigada News Philippines para sa SONA ni Pangulong Marcos.

Mapanonood sa lahat ng mga Online Streaming Platforms ng Brigada News Philippines, Social Media Accounts, at mapakikinggan sa lahat ng Brigada NewsFM Nationwide.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *