PBBM at FL LAM, nagbahagi ng ilang relationship tips

Naging love guru rin sina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos, sa kanilang vlog na “Ask us Anything” para sa Valentine’s special.

Sa vlog ng Pangulo na inilabas kahapon, sinagot ng first couple ang mga katanungan tungkol sa pag ibig at relasyon.

Unang nilang sinagot ang tanong kung papaano nababalanse ni Pangulong Marcos ang oras nito para sa Unang Ginang at sa kanyang trabaho.

Aminado ang Pangulo na mahirap balansehin ang oras nya, kaya sinasamantala nito ang ilang oras na libre sya.

Binanggit naman ni FL Liza na meron silang date night tuwing Myerkules. Naghahanap daw sila ng restaurant o kaya naman ay nagluluto ang Presidente para sa kanilang dalawa.

Ibinahagi rin nila ang mga katangiang nagustuhan nila sa isa’t isa.

Payo naman ng dalawa sa mga magka-relasyon, huwag magpapakain sa stress, at piliing mag usap ng personal at huwag idaan sa telepono o social media ang mga bagay bagay.

Sa huli, sinariwa ng dalawa ang kanilang first kiss matapos itong masama sa mga tanong ng netizen, hirit ni FL Liza si Pangulong Marcos daw ang patay na patay sa kanya noon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *