PBBM at Pres. leading candidate ng Indonesia na si Prabowo, nagkausap sa telepono

Nagkausap sa telepono kahapon si Pangulong Bongbong Marcos at ang nangunguna sa Presidential election ng Indonesia na si Defense Minister Prabowo Subianto.

Sa ulat ng Presidential Communications Office, nagpaabot daw ng pagbati si Pangulong Marcos kay Subianto at kabilang sa kanilang napag usapan ang pagpapalakas pa sa relasyon ng Pilipinas at Indonesia.

Ayon sa Pangulo maraming common interest ang dalawang bansa lalo pa’t lumakas ang traditional ties sa loob ng mahigit 70 taon.
Inihayag din ng Presidente na interesado syang makausap ng personal si Subianto.

Sinabi ni Pangulo Marcos na handang makipagtulungan ang Pilipinas sa Indonesia lalo na sa usapin ng energy transition, green metals, at produksyon ng enerhiya.

Idinagdag pa ng Presidente na may ilang Indonesian companies na ang nakapag-invest sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *