PBBM, dedesisyonan sa PhilHealth contribution hike sa lalong madaling panahon

Patuloy pa ring inaaral ni Pangulong Bongbong Marcos ang apela na suspendihin ang taas-singil sa contribution ng Philhealth.

Sa ambush interview sa departure ceremony nito sa Villamor Airbase, ipinaliwanag nitong nagsasagawa sila ng cost benefit analysis upang malaman kung ang pag-angat ng kontribusyon mula 4% patungo sa 5% ay makakatulong o makaka apekto sa mga miyembro ng PhilHealth.

Binigyang-diin ng Pangulo na kung maja-justify ang increase ay papayagan nito, pero kung hindi naman kayang i-justify ay hindi rin nito aaprobahan ang taas singil.

Pagtitiyak nito na maglalabas sya ng desisyon sa lalong madaling panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *