PBBM, handang i-certify as urgent ang pag-amyenda sa Rice Tarrification Law

Handa si Pangulong Bongbong Marcos na sertipikahang “urgent” ang panukalang pag amyenda sa Rice Tarrification Law o RTL.

Sinabi ng Pangulo sa ambush interview sa PICC kaninang umaga, na kaya tumataas ang presyo ng bigas ay dahil sa nag-kokompetensyahang mga traders o nagpapataasan sa pagbili ng palay, na wala anyang kontrol ang pamahalaan.

Kaya kung magkakaroon anya ng pag amyenda sa NFA charter at RTL, maiimpluwensyahan na ng pamahalaan ang presyo ng bibilhing palay at presyo ng ibebentang bigas.

Sa ipinapanukalang pag amyenda sa RTL, nais maibalik ng mga mambabatas ang kapangyarihan ng NFA na makapag benta ng bigas sa merkado, na mas mababa ng lima hanggang sampung piso kada kilo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *