PBBM, hangad daw na walang Pilipinong nagugutom at naghihikahos

Patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na mapababa ang presyo ng bigas at iba pang agricultural product sa bansa.

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, ito raw ay para mabigyan ng kakayahan ang mga Pilipino na makabili ng murang pagkain kahit anong oras na kailanganin nila at ng kanilang pamilya.

Kaya patuloy din ang gobyerno sa pag alalay sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga makinarya at tulong pinansyal para mapataas ang kanilang produksyon.

Nabanggit kasi ni Pangulong Marcos sa pamamahagi nito ng bigas sa Aklan na pangarap nitong walang Pilipinong nagugutom at naghihikahos.

Naniniwala ang Presidente na sa pagtutulungan, pagdadamayan at tiwala sa isa’t-isa, tiyak daw na magtatagumpay tayo sa pagkamit ng masagana, panatag, at matatag na buhay para sa lahat ng mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *