PBBM, hiling ang mabilis na paggaling ni King Charles

Kaisa si Pangulong Bongbong Marcos sa mga humihiling ng agarang pag galing ni King Charles ng United Kingdom.

Sa X account ng Pangulo, nagpaabot ito ng best wishes kina King Charles at Queen Camilla.

Sinabi nitong kaisa din ng UK ang Pilipinas sa mga nananalangin para sa mabilis at ganap na pag galing ng hari.

Nabatid na na-diagnose ang British monarch ng sakit na cancer.

Sa hiwalay na pahayag – kinumpirma ni Queen Camilla na bahagya nang gumaganda ang kundisyon ni King Charles.

Aniya, nagalak daw si King Charles sa lahat ng mga mensahe at mga liham na natanggap nito mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Malaki raw ang naitulong nito para maging ‘very cheering’ si King Charles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *