PBBM: hindi pa rin welcome ang ICC sa Pilipinas

Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya pa rin iniimbitahan ang mga imbestigador mula sa International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.

Ayon kay Marcos, hindi nakikipaglaro ang kanyang administrasyon sa pulitika, dahil may hurisdiksyon ito at soberanya.

Binigay ng Presidente ang pahayag na ito sa Australian broadcaster na ABC, kung saan tinanong siya kung balak niyang imbitahan ang ICC sa Pilipinas para imbestigahan ang war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Muling pinatibay ni Pangulong Marcos na mayroon gumaganang police force at judiciary system ang bansa, kaya’t ibibigay niya na lang rito ang responsibilidad ng pag-iimbestiga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *