PBBM, hinikayat ang mga Pilipino na makiisa sa Earth Hour ngayong araw

Hinikayat ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga Pilipino na makiisa sa pandaigdigang komemorasyon ng Earth Hour ngayong araw.

Sa Facebook post ng Presidential Communications Office, hinimok ng pamahalaan ang publiko na suportahan ang mga hakbang napoprotektka sa kalikasan, at magpapalakas sa aksyon laban sa epekto ng climate change.

Mababatid na una nang tiniyak ng Department of Health (DOH) ang pakikibahagi nito sa nasabing aktibidad.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang Earth Hour ay nagsisilbing paalala sa mga mahahalagang usapin sa buong mundo gaya ng global warming at climate change.

Gaganapin ang Earth Hour mamaya, 8:30 hanggang 9:30 nga gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *