PBBM hinimok ang mga LGU na pag-aralan ang best practices ng ibang bansa

Hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga local government unit na huwag tumigil sa pagtuklas ng mga paraan kung paano mapapabuti ang kanilang pagseserbisyo sa taumbayan.

Sa talumpati ng Pangulo sa Philippine Mayors’ Forum ngayong araw sa Quezon city, hinikayat nito ang mga alkalde na palakasin ang pakikipag ugnayan sa kanilang international counterparts, aralin ang best practices ng ibang bansa at i-apply ito sa kanilang lugar.

Kinilala rin ng Pangulo ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga local chief executives sa pagpapatupad ng mga programa ng national government at paghahatid ng serbisyo hanggang sa ground level.

Samantala, layunin ng naturang forum na ilatag ang mahalagang papel ng mga LGU sa pagkamit ng United Nations Department of Economic and Social Affairs o UN DESA 2030 Agenda for Sustainable Development Goals o SDGs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *