PBBM, inatasan ang PNP na imbestihan ang pagkamatay ni Juan Jumalon

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) para imbestigahan at mapanagot ang nasa likod ng pagpatay sa broadcaster na si Juan Jumalon o Jhonny Walker sa Misamis Occidental.

Ayon kay Pangulong Marcos na walang puwang sa isang demokratikong bansa ang ganitong uri ng pagpatay.

Ipinaabot ng Pangulo ang pakikiramay sa pamilya Jumalon at tiniyak ang hustisya sa pagkamatay nito.

Pang Lima na si Jumalon sa mga media binaril at pinatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *