PBBM, itutuloy ang pagsasampa ng kaso sakaling mapatunayan ang cyanide fishing incident

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na handa ang pamahalaan na magsampa ng kaso kung sakaling mapatunayan ang insidente ng cyanide fishing sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sa ambush interview sa Pangulo, kinumpirma nitong merong insidente ng cyanide fishing, batay sa iniulat sa kanya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.

Pero batid din anya ng Presidente na meron nang kaso ng pangingisda sa Pilipinas na gumagamit ng cyanide noon pa man.

Pero mas nakaka bahala daw dahil tila nagiging karaniwan na lang ito sa ngayon.

Nabatid na may ilang mangingisdang Pilipino ang nagsumbong sa BFAR na di umano’y may mga mangingisdang Chinese na gumagamit ng cyanide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *