PBBM: kaagapay ng Pilipino ang pamahalaan sa paglaban sa kahirapan

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na naka antabay ang pamahalaan sa mga Pilipino para umagapay sa pagharap sa iba’t ibang hamon ng buhay.

Sa kanyang mensahe sa pag gunita ng ika-125 araw ng pagkakatatag ng unang republika ng Pilipinas sa Malolos Bulacan, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos, ibang laban naman ang kinakaharap ngayon ng bansa sa makabagong panahon.

Kabilang dito ang paglaban sa banta ng sakit, kahirapan, kalamidad at iba pang uri ng mga panganib.

Kaya patuloy anyang nagsusumikap ang pamahalaan sa pagtiyak na maayos ang ating ekonomiya, stable ang demokrasya, secure ang kinabukasan at gawing matatag ang ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *