PBBM, kinansela ang flight niya patungong Dubai

Hindi natuloy ang flight ni Pangulong Ferdinand Marcos patungong Dubai para sana dumalo sa  28th Conference of the Parties.

Ayon sa pangulo may mga mahahalagang developments kaugnay sa hostage situation sa Red Sea na kinasasangkutan ng 17 Filipino seafarers.

Inatasan si Environment Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga na kumatawan sa Pilipinas sa COP 28 habang ang pangulo nagpatawag ng pulong para sa pagpapadala ng delegasyon sa Tehran Iran at tutukan ang sitwasyon ng mga crew na nabihag ng Houthi.

November 19 nang salakayin grupong Houthis ang car carrier na galaxy leader sa Red Sea na noon ay papunta sana sa India.

Ang Houthis ay armadong grupo na kumokontrol sa malaking bahagi ng hilagang Yemen.

Nauna ng sinabi ng Houthis na target nilang haranggin ang lahat ng barkong pagmamay-ari ng Israel o may kinalaman sa Israeli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *