PBBM, Maricel Soriano – wala sa PDEA drug list

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagdinig ng komite ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na wala sa listahan ng drug list si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang aktres na si Maricel Soriano.

Ito ay sa kabila ng mga umiikot na dokumento online na nagpapakitang sangkot ang dalawa sa paggamit ng droga.

Tinanggi naman ding pangalanan ni former PDEA Intelligence officer Jonathan Morales ang confidential informant na nagsabi sa kanyang impormasyon dahil hindi na umano niya matandaan ang pangalan nito.

Maliban pa roon, iminungkahi rin niya sa komite ang pag-imbita sa Pangulo na siyang di naman sinang-ayunan ng chair ng komite na si Senador Ronald Bato Dela Rosa.

Ayon kay Dela Rosa, ayaw niyang haluan ng politika ang gagawing pagdinig kung kaya’t hindu siya pabor dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *