PBBM, muling ipinanawagan sa publiko na magpabakuna vs COVID

Nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos sa publiko na magpabakuna na laban sa COVID-19.

Sa kanyang speech COVID-19 bivalent vaccination sa Philippine Heart Center sa Quezon City, sinabi ni Marcos na sana ay maging isang panawagan ang okasyon para sa mga Pilipino na ipagpatuloy na gawin ang kanilang obligasyon.

Ipinayo rin nito na magpabakuna laban sa sakit upang maiwasan ang pagkakaroon muli ng surge, at bilang pagkilala sa taong nagsakripisyo ng kanilang buhay noong kasagsagan ng pandemya.

Apela ng pangulo, lalo na sa mga taong hindi pa rin nakakukuha ng primary series ng vaccination, maging bakunado hindi lamang para sa ikabubuti ng sarili, kung ‘di maging ng pamilya at ng iba pa. // SMM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *