PBBM, nangakong gagawin ang lahat upang mapaunlad ang rice industry

Muling nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawin niya at ng administrasyon ang lahat ng kanilang makakaya para mapaunlad ang industriya ng bigas sa Pilipinas.

Sa ika-6 na International Rice Congress, sinabi ng pangulo na lahat ng pagsisikap ay kanilang gagawan para sa kapakanan ng mga magsasaka at mamimili.

Hinimok rin nito ang mga stakeholder na tukuyin ang mga malikhaing solusyon at mekanismo para sa isang mas matatag na industriya ng palay, upang bigyang diin ang kahalagahan ng pagpapabuti ng ani ng bigas para sa mga magsasaka at sa publiko.

Hinikayat din ni Marcos Jr. ang mga scientists at mananaliksik na bumuo ng iba pang mga uri ng bigas, kabilang ang mga bagong natuklasang variant na nagpapababa sa glycemic index ng staple grain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *