PBBM, nanindigang unti-unti nang gumiginhawa ang buhay ng mga Pilipino

Winelcome ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbagal ng inflation rate ng bansa mula sa 6.6% noong Abril – pababa ng 6.1% nitong Mayo.

Ayon kay Marcos, pagsusumikapan pa raw ng kaniyang administrasyon na palakasin pa ang mga programa nila para sa ekonomiya.

Dagdag ng pangulo, batid daw ng kaniyang gobyerno ang hangarin ng mga Pilipino para sa mas maginhawang pamumuhay.

Ngayong naitala sa apat na sunud-sunod na buwan ang pagbagal ng inflation – sinabi ni Marcos na unti-unti na raw nakakamit ang kaginhawaang ninanais ng mga Pilipino, na patunay na nasa tamang direksyon ang pamahalaan para mapababa pa sa abot-kayang presyo ang mga bilihin.

Kung maaalala, ang 6.1% na inflation nitong Mayo ay mas mataas pa rin sa 5.4% na inflation rate noong nakaraang taon sa kaparehong period.

Sa kabuoan, ang year-to-date inflation na ay 7.5% – higit pang malayo sa target na 2-4%. //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *