PBBM personal na bisita ang mga lugar na na naapektuhan ng Magnitude 7.0 na lindol

Personal na nag-ikot si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ngayong umaga sa mga lugar na naapektuhan ng mapaminsalang magnitude 7.0 lindol sa Northern Luzon.

Unang pinuntahan ng Pangulo ang Vigan City sa Ilocos Sur na isa sa mga lugar na nagtamo ng mga pinsala mula sa malakas na pagyanig.

Pagkatapos nito ay dumirecho na ang Pangulo sa Abra upang pangunahan ang situational update mula sa mga Local Government Units.

Kasama ng Presidente sa pagbisita ang ilan sa kanyang mga gabinete katulad nina DWSD Sec. Erwin Tulfo, DILG Sec. Benhur Abalos, SAP Sec. Antonio Lagdameo Jr., Defense chief Boy Faustino at Phivols Director Solidum.

Nasa Abra din ang kapatid ng Pangulo na si Sen. Imee Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Kabilang sa mga nagbigay ng ulat sa pangulo ay sina Abra Gov. Bernos, Abra Vice Gov. Bernos at 17 mga alkalde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *