PBBM, pinamamadali ang development ng Electric Vehicle industry

Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Department of Energy (DOE) at iba pang kinauukulang ahensya na bilisan ang pagpapatupad ng mga plano at estratehiya upang palawakin ang industriya ng electric vehicle o EV sa Pilipinas lalo na sa sektor ng pampublikong transportasyon.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos sa naganap na sectoral meeting kanina sa Palasyo ng MalacaƱang, na dapat pagtuunan ng pansin ang paghahanap ng paraan upang mapababa ang cost of production and financing at ang pagtatayo ng mga charging infrastructure.

Ayon kay DOE USec. Felix Fuentebella, as of 2023 nasa .001% lang o pitong libo lang ang bilang ng mga registered na electric vehicles sa bansa kumpara sa 14 million 300 thousand na bilang ng registered vehicles.

Dagdag ni Fuentebella, target nilang maitaas sa 50% ang penetration ng EV sa merkado pagdating ng taong 2040.

Isa sa benepisyo ng pag gamit ng EV ay ang greenhouse gas emissions reduction.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *