Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na ipagbawal ang pagpapatupad ng no-permit-no-exam policy sa mga pribado at pampublikong paaralan.
![](https://i0.wp.com/brigadanews.ph/wp-content/uploads/2022/09/ADV_CITRUPLUS_BACK_TO_NORMAL-1024x1024.jpg?resize=1024%2C1024&ssl=1)
Ibig sabihin ang mga disadvantage student na hindi pa nakakabayad ng martikula at iba pang bayaran sa eskuwelahan ay papayagang kumuha ng pagsusulit.
Saklaw ng Republic Act 11984 o ang No Permit, No Exam Prohibition Act ang basic education institutions (K to 12), higher education institution, at technical-vocational institutions.
Ang mga educational intuition na hindi sumunod sa probisyon ay mapapatawan ng administrative sanction.