PBBM, pinuri ang mga OFWs sa Cambodia, nangakong pagagandahin ang working conditions sa PH

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Cambodia, matapos ang pagharap nito sa Filipino community doon, nang dumalo sa 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and Related Summits.

Kaugnay nito, nangako si Marcos na tutugunan ang kakulangan ng mga opurtunidad sa Pilipinas, upang hindi na umano kailangan na mangibang bansa ang mga Pilipino para maghanap ng magandang buhay.

Kinilala rin ng punong ehekutibo ang sakripisyo ng mga OFWs, professionalism, at pagpapatibay ng core values ng mga Pilipino.

Ayon sa pangulo, natutuwa siyang malaman na sa lahat ng pinupuntahan ng Pilipino, pati umano sa Phnom Penh, sa Cambodia, ay laging sinasabi ng mga taga-doon, na tuwang-tuwa sila na naroon sa kanilang bansa ang mga Pilipino dahil matulungin, masipag, at tapat umano ang mga kababayan.

Mababatid na mayroong 5,000 na mga Pilipino sa Cambodia na karamiha’y nagtatrabaho sa sektor ng edukasyon, infrastructure development, information and communications technology, at garment industry. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *