PBBM sa People’s Initiative – ‘getting out of hand’ na

“The Filipino people are sovereign”

‘Yan ang mariing pahayag ni Senate President Migz Zubiri sa kanyang naging talumpati ngayong hapon sa Session Hall.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Zubiri na nagkaroon siya ng pagkakataon na makita si Pangulong Bongbong Marcos kaninang umaga sa tahanan nito sa Bahay Pangulo.

Sa nasabing pagkikita, sinabi umano ng Pangulo na panahon na para protektahan ang bicameralism upang mapatibay ang check and balance.

Kaugnay nito, aapela umano ang Pangulo sa Kamara at maging sa ilan pang initiator na ipahinto ang anumang aksyong may kaugnayan sa people’s initiative (PI).

Samantala, pinasalamatan naman din ni Zubiri ang 44 na legislative branch na hindi nagbigay ng kanilang 3% para sa compliance ng PI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *