PBBM, sinabing music lover at “unmissable” ang concert ng Coldplay

Dinipensahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang panonood nito ng concert ng British band na Coldplay noong nakalipas na linggo.

Sa ambush interview kaninang umaga, sinabi ng Pangulo na bilang music lover at nag aral din ng musika ng ilang taon, itinuturing nyang “unmissable” o hindi raw dapat ma-miss ang concert ng Coldplay.

Inilarawan pa nyang fantastic at spectacular ang naging performance ng naturang banda.

Pahayag ito ng Pangulo matapos matanong ng media kung meron pa itong “me time” sa kabila ng kanyang hectic schedule.

Samantala, hindi naman nabanggit ng Pangulo ang pag gamit nito sa Presidential chopper.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *