PBBM, target na wala nang magugutom na mga Pilipino

“No more hungry Filipinos.”

Ito ang sinabi Pangulong Bongbong Marcos sa Filipino community sa Thailand, nang matanong kung anu ang hinahangad nito.

Sa kanyang pulong sa Filipino community matapos dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) meetings, nangako rin si Marcos na gagawin ang lahat para mapalakas ang ekonomiya at makapagbigay ng mga maraming trabaho sa mga mamamayan.

Giit ng pangulo, nais umano niyang mangyari ito, dahil sa oras na maabot ang naturang mithiin, masasabi umano na ginawa ng maayos ang trabaho sa public service, at hindi umano madidismaya ang mga tao sa pagbibigay sa kanya ng suporta.

Ayon kay Marcos, na ang magagawa nalang ng gobyerno ay ang magsukli sa mga kababayan ng magandang trabaho.

Samantala, sinabi ng punong ehekutibo na target ng pamahalaan na mag-invest ng mas maraming pera at mapalakas ang ekonomiya, para makapagbigay ng mas marmai opurtunidad sa mga tao, lalo na sa sektor ng agrikultura. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *