Top Stories

PBBM tinabla ang rekomendasyon na isailalim ang buong bansa sa state of calamity

Hindi sinang-ayunan ni Pangulong Bongbong Marcos ang inirekumendang pagsasailalim sa buong bansa sa state of calamity.

Matatandaaang kamakalawa ng irekumenda ni Office of Civil Defense administrator Raymundo Ferrer ang isang taong declaration ng national state of calamity kasunod ng pananalasa ng Bagyong Paeng.

Paliwanag ni Ferrer, 16 mula sa 17 na mga rehyon sa bansa ang ‘high risk’ dahil sa bagyo.

Sa pagharap ni Pangulong Bongbong Marcos sa media matapos ang ginawang pagbisit sa Noveleta, Cavite – sinabi ni Marcos na hindi na ‘necessary’ pa, ‘o ‘di na niya nakikita ang pangangailangan para sa nationwide declaration nito.

Aniya, matapos ang konsultasyon sa Department of Environment and Natural Resources, hindi na raw niya nakikitang kailangan pa ng isang taong state of calamity sa buong bansa.

Aniya, hindi naman daw ‘extensive’ ang epekto nito at localized lamang ang pinsala ng bagyo.

Mayroon din aniyang mga iilang lugar sa bansa na hindi na kailangan pang isailalim sa state of calamity.

BNFM Makati

Recent Posts

Imahe ng birhen ng Peñafrancia at Divino Rostro dadalhin sa kampo ng pulisya

CAMARINES NORTE - Dadalhin sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., Camarines Norte Police Provincial Office…

7 mins ago

SSS muling nagbabala sa mga employer na hindi tumutupad sa kanilang legal obligation ngayong araw ng paggawa

CAMARINES NORTE - Muling nagbabala ang Social Security System (SSS) sa mga employer na hindi…

9 mins ago

Mga sanggol, isinali sa traditional Crying Baby Sumo Festival sa Japan

Sabi nila crying is for losers pero tila kabaligtaran ito sa isang ritual sa Japan.…

10 mins ago

E-center services ng SSS nasa Barangay na

CAMARINES NORTE - Pinalalakas  ng Social Security System (SSS) ang serbisyo nito sa mga Barangay…

14 mins ago

14 kanta ni Taylor Swift pasok sa Billboard Hot 100

Muling Binasag ni Taylor Swift ang sariling record nito noong 2022 sa Billbaord Hot 100.…

16 mins ago

Imahe ng mahal na birhen ng Peñafrancia at Divino Rostro mananatili ng ilang araw sa Diyosesis ng Daet

CAMARINES NORTE - Dumating na kahapon ang imahe ng mahal na birhen ng Peñafrancia  at …

17 mins ago