PBBM – tiniyak ang suporta sa mga Pilipinong nasa Taiwan

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos ang suporta ng pamahalaan sa mga Pinoy na nasa Taiwan, matapos ang nangyaring magnitude 7.5 na lindol.

Sa kanyang statement, sinabi ni Pangulong Marcos na handa ang pamahalaan na magbigay ng tulong at suporta sa lahat ng mga Pilipino na naapektuhan ng pagyanig anumang oras.

Sinisiguro rin ng Department of Migrant Workers ang kaligtasan ng halos 159,480 na mga Pilipino na kasalukuyang naninirahan sa naturang bansa.

Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang Pangulo sa mga taga Taiwan na biktima ng malakas na lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *