National

PBBM, tiniyak sa mga Japanese shipping companies na makikipagtulungan ang gobyerno sa pangangailangan ng mga Filipino seamen

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga shipping companies na makikipagtulungan ang gobyerno para masigurong matutugunan ang pangangailangan ng mga ito ng mga magagaling na Filipino seamen.

Sa pagdalo sa shipowners’ meeting sa Tokyo, Japan, sinabi ng Pangulo na ang pagkuha ng mga Filipino cadets ng mga Japanese shipowners ay nagsisiguro sa sustainability ng manpower resource pipeline ng bansa.

Nagpasalamat rin ang Pangulo sa mga negosyong inilagak ng Japanese shipowners sa Canlubang,Laguna at Bataan partikular sa maritime training na nakapagtala ng 1,200 cadets kada taon.

Umaasa rin si Marcos na gagaya rin ang iba pang international shipping associations na kumuha ng Pinoy seamen at magtayo ng training schools para sa mga estudyanteng nais na mag-seaman.

Samantala, tiniyak naman ng mga Japanese shipowners kay Marcos ang patuloy na hiring ng mga Pinoy seamen para magtrabaho sa kanilang mga barko.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

10 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

10 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

10 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

10 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

10 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

11 hours ago