PBBM, VP Duterte – muling nakakuha ng mataas na approval at trust ratings

Mayorya ng mga Pilipino ay aprub pa rin at nagtitiwala sa serbisyo nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.

Ito ang lumabas sa isinagawang ‘Boses ng Bayan’ survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Sa ilalim nito – 83% ang naging approval rating ng Pangulo; habang 87% naman ang kaniyang trust rating.

Nakuha ni Marcos ang 87% na satisfaction rating sa Mindanao; habang sa Metro Manla naman ang may pinakamababa sa 73%.

Samantala, 81% naman ang approval rating ni Duterte; habang 87% ang kanyang trust rating.

Mindanao din ang may pinakamataas na satisfaction rating para VP na mayroong 98%; habang Luzon ang may pinakamababa sa 70%.

Isinagawa ang survey mula November 27 hanggang December 2 sa 5,000 adult respondents.
#

RELATED STORY:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *