PBBM, wala pa ring desisyon sa apelang suspendihin ang Philhealth hike contributions

Wala pa ring inilalabas na desisyon si Pangulong Ferdinand Marcos, tungkol sa apela ng Department of Health na suspendihin ang 5% na taas singil sa kontribusyon ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.

Ayon kay Presidential Communication Office o PCO Secretary Cheloy Garafil, patuloy pa raw itong inaaral ng Pangulo.

Nais daw kasi ng Presidente na matiyak na ang anumang pagtaas sa premium ay higit na malaki ang madadagdag sa benepisyo at coverage ng mga miyembro ng Philhealth.

Nabatid na umapela si DOH Secretary Ted Herbosa kay Pangulong Marcos na ipagpaliban ang premium hike para mabawasan ang kalbaryo na pinapasan ng mga Pilipino bunsod na rin ng pagtaas ng mga bilihin.
Pangulong Marcos, wala pa ring desisyon sa apelang suspendihin ang Philhealth hike contributions

Wala pa ring inilalabas na desisyon si Pangulong Ferdinand Marcos, tungkol sa apela ng Department of Health na suspendihin ang 5% na taas singil sa kontribusyon ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.
Ayon kay Presidential Communication Office o PCO Secretary Cheloy Garafil, patuloy pa raw itong inaaral ng Pangulo.
Nais daw kasi ng Presidente na matiyak na ang anumang pagtaas sa premium ay higit na malaki ang madadagdag sa benepisyo at coverage ng mga miyembro ng Philhealth.

Nabatid na umapela si DOH Secretary Ted Herbosa kay Pangulong Marcos na ipagpaliban ang premium hike para mabawasan ang kalbaryo na pinapasan ng mga Pilipino bunsod na rin ng pagtaas ng mga bilihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *