PBBM – walang nababalitaang destab plot laban sa kanya mula sa mga active police

Wala umanong natatanggap na report si Pangulong Bongbong Marcos na may nilulutong destab plot ang hanay ng active police laban sa kanya.

Sa ambush interview sa Gensan, sinabi ng Pangulo na posibleng ang mga retiradong opisyal ang gumagalaw o sumasama sa destabilization plot.

Dahil dito, hindi nakikita ng Pangulo na kailangang magsagawa ng loyalty check sa hanay ng mga pulis at militar.

Hiling lang ng Punong Ehekutibo sa kanila, manatiling professional at gampanan ang kanilang tungkulin sa taumbayan, kahit hindi sya ang ibinoto ng mga ito.

Matatandaang pinalutang ni dating Senator Antonio Trillanes, na may mga retired at active PNP officials umano na nagbabalak ng destabilisasyon laban sa administrasyong Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *