PBBM – wi-nelcome ang record-low na 2.8% inflation

Nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpapalakas ng mga pagsisikap ng pamahalaan na mapanatili ang paglago ng ekonomiya ng bansa at tugunan ang mga hamon kasunod ng makabuluhang paghina ng inflation sa Enero 2024.

Ayon sa Pangulo, ito na ang pinakamababang inflation rate simula pa noong Oktubre 2022.

Iniugnay ito ng Pangulo sa pagbaba ng inflation ng pagkain, na bumaba sa 3.3 porsyento sa nakaraang buwan, at sa mga proactive na hakbang ng gobyerno kabilang ang pagpapatupad ng National Adaptation Plan at ang muling pagsasaaktibo ng Task Force El Niño.

Dagdag pa rito ang pakikipagugnayan ng gobyerno sa Vietnam para sa supply ng bigas upang payagan ang karagdagang pag-import ng mga pangunahing bilihin ng pagkain, na aniya’y mahahalagang hakbang patungo sa pagtiyak na mapanatili ang pag-unlad gn bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *